Home METRO Kawani ng PDEA, pinagbabaril-patay

Kawani ng PDEA, pinagbabaril-patay

TULUNAN, Cotabato- DUGUAN bumulagta sa tapat ng kanilang bahay ang isang kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency 12, matapos malapitan barilin ng hindi pa kilalang suspek nitong madaling-araw, Mayo 11 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Peter Estelloso, 39-anyos, office staff ng PDEA-12 at residente ng Purok 1 sa Barangay Poblacion, Tulunan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tulunan Municipal Police Station, bandang 3:00 AM nang maganap ang krimen sa labas ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Capt. April Rose Soria, hepe ng Tulunan-MPS, sa tapat ng kanilang bahay ang biktima ng bigla na lamang itong lapitan ng suspek saka pinagbabaril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa hindi pa batid na kalibre ng armas ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen para sa pagkakakilanlan sa suspek at pagdakip. Mary Anne Sapico