Home METRO Casino agent tiklo sa P3.6M shabu

Casino agent tiklo sa P3.6M shabu

MANILA, Philippines – Arestado ang isang casino agent matapos makuhanan ng P3.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Sitio Maunawain, Barangay Duhat, Santa Cruz, Laguna.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Region 4-A, kinilala ang suspek na si Nikki Zotomayor, residente ng Santa Cruz, Laguna.

Narekober sa suspek ang 535 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 milyon.

Nahaharap si Zotomayor sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC