Home NATIONWIDE Thunderstorm advisory itinaas sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija

Thunderstorm advisory itinaas sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija

MANILA, Philippines – Naglabas ang PAGASA ng thunderstorm advisory para sa ilang probinsya sa gitnang Luzon ngayong hapon ng Sabado, Mayo 11.

Sa abiso, makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, kidlat at malakas na hangin ang bahagi ng Tarlac, Pampanga, at Nueva Ecija sa susunod na dalawang oras.

Kasalukuyan namang nararanasan ang kaparehong kondisyon sa Santa Cruz, at Candelaria, Zambales na maaaring tumagal ng dalawang oras. RNT/JGC