Home HOME BANNER STORY Patay sa landslide at pagbaha sa Davao, umakyat na sa 14

Patay sa landslide at pagbaha sa Davao, umakyat na sa 14

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha at landslide dahil sa malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao partikular na sa Davao region.

Nitong mga nakaraang araw ay matatandaang iniulat ang pagkasawi ng nasa 10 katao sa Davao de Oro dahil sa tuloy-tuloy na ulan.

Sa 10 nasawi sa Davao de Oro, tatlo ang naitala mula sa New Bataan, at apat ang nasawi naman sa insidente ng mga landslide sa Maragusan at Monkayo.

Tatlo katao naman ang nalunod sa magkakahiwalay na insidente sa Pantukan at Maco, Davao de Oro.

Samantala, nalibing naman ang apat na indibidwal sa loob ng isang bahay sa Kapalong, Davao del Norte dahil sa landslide.

Lubog din sa matinding pagbaha ang maraming mga barangay sa Agusan del Sur.

Posibleng abutin pa ng lima hanggang anim na araw bago tuluyang humupa ang baha sa Davao de Oro. RNT/JGC

Previous articleAmihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa
Next articlePilipinas pinagbintangan ng China, PH vessel iligal na pumasok sa Ayungin Shoal