MANILA, Philippines – Sinabi ng China nitong Sabado, Pebrero 3 na isang maliit na civilian vessel ng Pilipinas ang “illegally placed itself on the beach” sa isang atoll sa West Philippine Sea na matatandaang pinag-aagawan ng dalawang bansa.
Ang barko ay lumapag umano sa atoll sa Spratly Islands noong Biyernes, para sa supply purposes.
Nakahimpil ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kung saan tumutuloy ang ilang mga tropa ng pamahalaan. Paraan din ito upang palakasin ang soberanya ng bansa sa Ayungin.
Noong nakaraang taon ay tumanggi ang Manila sa hiling ng Beijing na alisin na ang naturang barko sa Ayungin.
Dahil dito ay mas nasundan pa ang mga panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas na naglalayag sa West Philippine Sea. RNT/JGC