Home TOP STORIES Dapat may managot sa sinkhole sa Pasay – senador

Dapat may managot sa sinkhole sa Pasay – senador

90
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., Chairman ng Senate Committee on Public Works, na dapat may panagutin sa lumitaw na sinkhole sa  Sales Road sa Pasay City noong nakaraang Linggo (Abril 14).

Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang naturang “sinkhole” ay sanhi ng tagas mula sa water pipeline ng isang water concessionaire.

Ang bukana ng sinkhole ay may sukat na 2 meters by 3 meters ngunit ang loob ng butas ay higit na mas malawak kumpara sa bukana na may lalim na 8 hanggang 10 talampakan.

“This poses great danger lalo na sa mga motorista, at kung di agad nakita at napabayaan, baka pati sa mga residential properties at buildings sa area. Kung makikita niyo nga yung butas, malapit na siya sa pundasyon ng NAIAX elevated highway. Nakakatakot ang posibleng epekto nito kung sakali,” paliwanag pa ni Revilla.

Binigyang diin ni Revilla na dapat talagang managot ang nabanggit na water concessionaire upang higit silang maging reponsable sa magiging epekto ng kanilang ibinibigay na sebisyo.

“Hindi pwedeng hayaan lang na ire-repair tapos wala na. Hindi ‘yon accountability. Dapat may managot para magsilbing daan ito para mas maging proactive ang mga service providers sa mga projects nila, hindi lang basta reactive kapag may problema na. Ilang beses na tayo nakakatanggap ng report na may pumutok na pipe sa ganito, minsan nagdudulot pa ng baha at nakaka-abala. Dapat bago pa lang magkaroon ng leak, na-check na. Tuloy-tuloy dapat ang inspection at maintenance,” ayon pa kay Revilla.

Samantala, tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Lunes ng umaga (April 15) na handa silang ayusin ang ‘sinkhole’ na lumalabas na epekto ng hindi maayos na pagretoke sa naturang proyekto.

Napag-alaman na sakop ng Maynilad ang nasabing serbisyo sa lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here