Home ENTERTAINMENT Darren, nahuli, nadulas ang dila sa ex!

Darren, nahuli, nadulas ang dila sa ex!

Manila, Philippines – May kasabihan ngang “It’s not over until it’s over!”

Wari’y ito ang gustong igiit ni Darren Espanto sa natapos nang relasyon nila ni–hold your breath–Cassy Legaspi!

Saan pa nga ba nahuhuli ang isda, hindi ba’t sa mismong bibig?

Out of sheer carelessness ay nadulas si Darren nang ‘di niya sinasadyang “i-blind item” ang nakarelasyon niya last year.

Tinanong kasi ni Vice Ganda si Darren kung so far ay anu-anong pinakamahal na regalong natanggap ng TV host-singer mula sa kanyang nobya.

Without dropping names, sagot ni Darren ay sapatos at tickets sa Bruno Mars tickets.

Darren, however, wouldn’t talk any further.

Kung tutuusin pa nga’y hangga’t maaari ay uniiwas si Darren sa topic.

All that he volunteered ay bagama’t break na raw sila ng nagbigay ng mamahaling sapatos at Bruno Mars tickets sa kanya ay nananatili silang magkaibigan.

Naging maagap agad ang mga curious netizens who wasted no time para isaliksik kung sinong babae ang tinutukoy ni Darren.

And after some thorough research, bingo!

It turned out na si Cassy pala ‘yon dahil magkasama pa silang manood ng Bruno Mars concert sa Philippine Arena sa Bulacan laat year.

Nailunek din ng mga ito ang bigay na sapatos to Cassy as having been the giver.

Ano kaya ang masasabi ni Carmina Villaroel na in a way ay “pinaglihiman” ni Cassy?

At bakit parang nagkakapareho ng kapalaran sa lovelife ang Legaspi twins?

As in walang tumagal na dyowa kina Mavy at Cassy?

If it’s any consolation, friendship remains sa kaso nina Cassy at Darren.

Eh, kina Mavy at Kyline Alcantara? Ronnie Carrasco III