Home METRO #WalangKuryente sa ilang bahagi ng Quezon, Rizal, Bulacan, Laguna sa Mayo 25,...

#WalangKuryente sa ilang bahagi ng Quezon, Rizal, Bulacan, Laguna sa Mayo 25, 26

MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang bahagi ng Quezon, Rizal, Bulacan, at Laguna ng power service interruptions sa Mayo 25 at 26 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sa abiso sa website ng Manila Electric Company (Meralco), sinabi nitong papalitan ang leaning pole at low sagging wires sa kahabaan ng Tayabas-Mauban National Road sa Barangay Palale Silangan, Tayabas City, Quezon Province.

Apektado sa pagitan ng 10 a.m. at 3 p.m. sa May 25 ang:

  • Ilang bahagi ng Tayabas-Mauban National Road mula sa Barrio’s House of Bulalo saklaw ang Sitio Pinagbanderahan at Sitio Italan sa Barangay Palale Silangan.

Magkakaroon din ng pagpapalitng poles at line reconductoring works sa kahabaan ng Montana Drive sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal Province sa May 25.

Apektado sa pagitan ng 10 a.m. at 3 p.m. ang:

  • Bahagi ng Montana Drive mula A. Mabini Street saklaw ang Metro Royale Subdivision, Montavilla Subdivision, Metro Montana Subdivision, at King David Subdivision sa Barangay Burgos.

Magsasagawa rin ang Meralco ng pagpapalit ng pole, line reconductoring works, at pagkakabit ng karagdagang lightning protection devices sa kahabaan ng Iglesia Ni Cristo Street sa Barangay Sta. Rosa 2, Marilao, Bulacan sa May 25.

Wala pang impormasyon sa oras at apektadong lugar.

Samantala, magsasagawa ng relocation of primary facilities na apektado ng DPWH road widening project sa kahabaan ng Mayapa Road sa Barangay Mayapa, Calamba City, Laguna sa May 26.

Apektado sa pagitan ng 1 a.m. at 6 a.m. ang:  

  • Bahagi ng Mayapa Road mula Meralco-Canlubang substation saklaw ang Sto. Domingo, Savio, at Lourdes Streets; Salcedo Subdivision at St. Christopher 2 Subdivision sa Barangays. Mayapa at Canlubang.

Bahagi ng Camp Vicente Lim Compound saklaw ang Camp Vicente Lim Integrated High School sa Barangay Mayapa. RNT/SA