Manila, Philippines- Sumakabilang-buhay nitong November 1 ang sikat na singer-actor noong 70s na si Dondon Nakar.
He was 66.
Born Guillerno Serafin L. Nakar III, ayon sa kanyang pamilya ay cardiac arrest ang sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay.
Ayon sa kanyang pamilya, “while we are saddened by the loss, we rejoice knowing that he is with the Lord.”
Dondon began his career as a child star in the film Alaala ng Pag-ibig in 1971.
Nasundan ito noong 1971 via Perlas Productions’ First to Kill.
Mas marami siyang nagawang pelikula noong 1973–siya ang gumanap bilang Ding sa Darna and the Giants kung saan bida si Vilma Santos sa ilalim ng Tagalog llang-ilang Productions.
Ginawa rin niya that year ang mga pelikulang Binhi at Ang Barbaro at si Genghis Khan.
Pero mas nakilala si Dondon nang mapabilang sa grupong Apat na Sikat kasama sina Lala Aunor, Winnie Santos at Arnold Gamboa.
Taong 1976 nang maging katambal niya si Winnie sa Pilyang Engkantada.
Taong 1979 when Dondon did Menor de Edad, Nang Bumuka ang Sampaguita in 1980 and Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang in 1981.
Si Dondon din ang kumanta ng theme song ng soap opera na Flor de Luna na ginampanan ni Janice de Belen mula 1980 hanggang 1983.
In his last interview, nilinaw ni Dondon na hindi siya naging pastor kundi aktibo lang sa kanyang charismatic community.
He is survived by a single child sa nakahiwalay niya sa asawa with whom he had maintained friendship.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Dondon Nakar. Ronnie Carrasco III