Home ENTERTAINMENT Goma, napaiyak sa media, sinabihang plastik!

Goma, napaiyak sa media, sinabihang plastik!

263
0

Manila, Philippines- Maraming niyembro ng press na nakakakilala sa aktor-pulitiko na si

Richard Gomez ang napapailing na lang sa pagkabigla sa anila’y pretensyosong reaksyon nito nang humarap sa mediacon kamakailan.

Ito’y kaugnay ng comeback movie niya after Three Words to Forever, katambal pa si Sharon Cuneta with Kathryn Bernardo.

Having had the chance again to meet with the press, hindi napigilan ni Leyte Rep. na maluha, sabay sabing: “Na-miss ko kayo…”

Palihim ay may mga press members na nagtinginan sa isa’t isa.

‘Yung iba nama’y nagtaas ng kilay.

Anila, okey lang sana ang tinuran ni Goma kung hindi nila ito kilala.

Common knowledge kàsi ang noo’y maangas na pakikitungo ng aktor sa showbiz press.

Tandang-tanda pa ng mga ito nang may sitahing reporter si Goma.

Palibhasa’y pawisan, sinabihan siya ng taklesang aktor na maligo muna bago humarap sa artista.

May isa ring instance sa Star Olympics noon kung saan barado ang isang reporter nang sabihan siya ni Goma sa paglapit nito ng: “O, pagkakakitaan n’yo na naman kami!”

Hindi rin ba’t nagtatag din ang ilang reporter ng isang grupo kontra sa “kayabangan” ni Goma noong late 80s?

Hindi nga lang siya gaanong binibira ng press noon dahil ang tinitingnan na lang nila noon ay ang mabait at magaling makasamang manager na si Douglas Quijano.

Kaya nagkakaisang reaksyon ng press sa emosyonal na Richard Gomez sa isang recent event: “Sorry pero ang tawag du’n, eh, luha ng buwaya! Naku, nasa Kongreso pa naman siya kung saan maraming buwaya!”

In short, huwag daw silang pakitaan ni Goma ng kaplastikan just because he needs help to promote his comeback movie!

Ouch! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here