BASILAN- Nagwakas ang mistulang palos ng isang dating kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) na isa din most wanted person sa iba’t ibang kasong kriminal matapos ang 13 taon pagtatago sa batas, iniulat kahapon sa Isabela City.
Sa pinagsamang counterterrorism operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), 52SAC, 5th Special Action Battalion, Regional Intelligence Unit 9, Basilan Provincial Field Unit (PFU), nadakip ang suspek na si alyas Butchoy, sa Brgy. Lower Lanote, Isabela City, Basilan, noong May 7, 2025.
Ayon kay CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, ang suspek ay dating kasapi ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Sub-Leader Furuji Indama at Abu Kik.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng RTC, Branch 1, 9th Judicial Region, Isabela City, Basilan para sa siyam na bilang na Murder na may petsang July 26, 2007; 12 bilang ng Frustrated Murder na may petsang May 25, 2012, nadakip si Butchoy.
Sangkot din ang suspek pagdukot sa Lamitan City noong 2001 sa pagkulong nila ng halos apat na buwan at siyam na araw sa mga kawani ng Dr. Jose Torres Memorial Hospital at mga trabahador ng plantasyon.
Mula 2012 at 2018 ipinalabas ang arrest warrant laban sa suspek.
Ihaharap sa korte ang suspek para sa tamang disposisyon at dokumentasyon. Mary Anne Sapico