Home ENTERTAINMENT Body shamers, sinisisi si Sharon sa paglobo ng mga anak!

Body shamers, sinisisi si Sharon sa paglobo ng mga anak!

Manila, Philippines- Kay Sharon Cuneta na rin nanggaling that achieving her desired weight and figure didn’t happen overnight.

Taon din ang binilang bago nawala ang kanyang extra poundage.

This explains kung bakit “malakas na ang loob” ng Megastar na magsuot ng mga ‘di na kalakihang damit.

Bagama’t marami ang pumuri sa go-for-it attitude ni Sharon, naba-bash naman siya ngayon for letting her daughters put on so much weight.

Kung noo’y suki ng mga bashers si KC Concepcion, ikinatutuwa na ngayon ng mga netizens that she’s back to her fitness routine.

At dahil “graduate” na si KC sa bashing, ang half-sister naman nitong si Miel Pangilinan ang pinagtitripan ng mga netizens.

Hindi kasi nakaligtas sa mga ito ang ipinost ni Sharon na photos nila.

Matangkad na kasi’y tumaba pa si Miel beside Sharon, na parang may higanteng kasama sa larawan.

As usual, some netizens couldn’t be any kinder to Miel.

Kesyo wala raw salamin sa bahay nila for Miel to check on how she looks.

Kesyo masasarap din daw ang mga pagkain sa bahay ng mga Pangilinan.

Dahil dito, Sharon is taking all the blame.

Bakit daw kasi hinayaan na lang ng singer-actress na tumaba nang tumaba ang kanyang mga anak?

Hindi raw ba naisip man lang ni Sharon na i-share ang kanyang fitness regimen?

Kung nakaya raw kasing magpapayat ang ina’y kakayanin din naman daw ng mga anak.

Sa totoo lang, noon pa isyu kay Sharon ang pagiging on the plump side.

Ang hindi alam ng marami, it has a lot to do with Sharon’s bone structure.

Nevertheless, bakit nga ba hindi ibahagi ni Sharon sa kanyang mga anak kung paano siya sumeksi? Ronnie Carrasco III