Home SPORTS Dating NBA star Chauncey Billups haharap sa paglilitis

Dating NBA star Chauncey Billups haharap sa paglilitis

141
0

 

DATING NBA STAR CHAUNCEY BILLUPS HAHARAP SA PAGLILITIS

NAKATAKDANG magsimula sa Nobyembre 2 ang paglilitis laban sa dating NBA star na si Chauncey Billups at dating guard na si Damon Jones kaugnay ng umano’y rigged illegal poker games.
Ayon kay federal judge Ramon Reyes, mahigit tatlumpung akusado ang sangkot sa kaso kaya posibleng hatiin ang paglilitis upang mapabilis ang proseso sa United States Courthouse Brooklyn sa New York.
Pinaghihinalaan ang mga akusado na nag-anyaya umano ng mga manlalaro sa mga poker game na kontrolado ng organized crime kung saan nakapwesto ang mga kagamitan upang manipulahin ang laro.
Ilang akusado ang sinasabing posibleng maghain ng plea deal, habang ang iba naman ay patuloy na nakikipag-usap sa mga piskal hinggil sa posibilidad ng pag-amin sa kaso.
Si Billups, na dating head coach ng Portland Trail Blazers, ay nag-deklarang hindi guilty sa mga kasong money laundering at wire fraud at kasalukuyang nakalaya sa piyansang $5 milyon habang hinihintay ang paglilitis.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here