Home NATIONWIDE Dating Pakistan PM Imran Khan isinelda ng 3 taon sa korapsyon

Dating Pakistan PM Imran Khan isinelda ng 3 taon sa korapsyon

PAKISTAN – Ipakukulong ang dating Pakistan prime minister Imran Khan sa loob ng tatlong taon makaraang mapatunayang guilty sa graft.

Sa kabila nito, nagdaos naman ng kilos-protesta ang ilang tagasuporta niya sa bansa matapos arestuhin ng pulisya ang dating international cricket star sa kanyang tirahan sa Lahore.

Ang sinumang mahatulan ng criminal offense sa Pakistan ay diskwalipikado nang lumaban sa eleksyon sa susunod.

Inaasahan naman na mabubuwag na sa susunod na dalawang linggo ang parliament bago pa makumpleto ang termino nito, at ang pambansang halalan ay posibleng isagawa sa Nobyembre.

“His dishonesty has been established beyond doubt,” sinabi ni judge Humayun Dilawar.

“He has been found guilty of corrupt practices by hiding the benefits he accrued from national exchequer willfully and intentionally.”

Noong Mayo, inaresto si Khan sa Islamabad dahil sa kaparehong kaso, dahilan para magkaroon ng tensyon sa mga taga-suporta ng kanyang Pakistan Tehreek-e-Insaf (PTI) party matapos makasagupa ang mga pulis.

Matapos itong mapakawalan noon, tinarget naman ng crackdown ang PTI kung saan inaresto ang libo-libong tagasuporta nito.

“My fellow Pakistanis, they will have arrested me and I’ll be in jail by the time this message reaches you. I have just one request and appeal, that you are not to sit silently at home,” pahayag naman ni Khan.

“This is a war for justice, for your rights, for your freedom… chains don’t just fall off, they have to be broken. You must continue peaceful protest until you get your rights.” RNT/JGC