Home NATIONWIDE PNP lumahok sa 2023 World Police and Fire Games sa Canada

PNP lumahok sa 2023 World Police and Fire Games sa Canada

MANILA, Philippines – Nakilahok sa World Police and Fire Games sa Winnipeg, Canada ang delegasyon ng Philippine National Police.

Ang naturang palaro ay tatagal hanggang ngayong Linggo, Agosto 6 at nagsimula noon pang Hulyo 28.

Pinangungunahan ni PLt. Gen. Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for administration, ang Philippine contingent.

Nakipaglaban ang mga ito sa siyam na sporting events kabilang ang basketball, cross-country running, at marathon.

Sinuportahan naman sila ng mga Filipino na nakatira sa Winnipeg kasabay ng pag-martsa ng Philippine team sa Canada Life Centre para sa opening ceremony noong Hulyo 28.

Ikinokonsiderang pinakamalaking sporting event ang 10-day event na pinamunuan ng Manitoba.

Sinimulan noong 1985 sa U.S., ang Olympic-style competition na kinatatampukan ng mahigit 8,500 atleta na nagrerepresenta sa law enforcement, mga bumbero, at pulis mula sa mahigit 50 bansa.

Nasungkit naman ng Philippine team ang kauna-unahang gold medal sa Day 3 sa pagkakapanalo ni Police SSgt. Maria Arnejo sa 21K half marathon sa St. Vital Park.

“This is an opportunity for our athletes to go out,” sinabi ni Sermonia.

“We have many world-class athletes who have to be introduced to other policemen from other parts of the world.” RNT/JGC