Home METRO Dating ‘pogi’ sa bundok sumuko sa mga parak sa Bulacan

Dating ‘pogi’ sa bundok sumuko sa mga parak sa Bulacan

270
0

Bulacan — Isang dating armadong rebelde umano ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Sampaloc, San Rafael dakong ala-1:00 ng hapon noong Hulyo 8.

Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si Alias Ka Rey, 47 anyos, construction worker, at residente ng Doña Remedios Trinidad.

Ayon kay PLTCOL RONNIE O ALBINO, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company, si Ka Rey ay dating miyembro ng KLG Sierra Madre – Squad Uno at kabilang sa PSR list noong 2001.

Sa salaysay, inamin ni Ka Rey na na-recruit siya noong 1997 sa pamumuno ni alyas “Jimmy,” at napilitang sumapi dahil sa matinding kahirapan.

Kabilang umano siya sa ilang engkuwentro sa Sapang Munti at Bulakan, Bulacan, at nagsilbing kolektor ng “revolutionary tax.” Umalis siya sa kilusan noong 2002 upang mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya.

Isinuko ng dating rebelde ang isang caliber .38 revolver na walang serial number, na agad na idinokumento ng mga awtoridad.

Nabatid na ang pagsuko ay naisakatuparan sa tulong ng 2nd PMFC, PIT Bulacan East, RIU 3, 24SAC, 2SAB PNP SAF, RID 3, PIU Bulacan, DRT MPS, at 301st RMFB 3.

Binigyang-diin ni PCOL ANGEL L GARCILLANO, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, na ang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde ay isang tagumpay para sa kapayapaan ng buong pamayanan. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here