Home NATIONWIDE Dating press secretary Trixie Cruz-Angeles humarap sa NBI

Dating press secretary Trixie Cruz-Angeles humarap sa NBI

MANILA, Philippines – Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating press secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes, Disyembre 6 bilang tugon sa kanyang subpoena kaugany sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa isang online press briefing.

Iniimbestigahan ng NBI si Duterte dahil sa umano’y banta kaugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at posibleng paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020, kasunod ng umano’y kill order nito laban sa Pangulo, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez

Nauna nang ipinatawag ng NBI si Duterte noong Nobyembre 29 ngunit hindi sumipot at hiniling ng kanyang kampo na i-reschedule ng Disyembre 11.

Si Cruz-Angeles ay itinalaga bilang pinuno ng Presidential Communications and Operations Office sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nagbitiw siya sa kanyang puwesto noong Oktubre 2022, dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.

Samantala, sinabi ni NBI chief Jaime Santiago na sakaling mabigong muling sumipot ang Bise Presidente, isusumite ng bureau ang mga ebidensiya nito hinggil sa mga sinabi ni Duterte sa Department of Justice (DOJ) prosecutors. Jocelyn Tabangcura-Domenden