Home ENTERTAINMENT Julia, napako sa tuhod, walang reklamo!

Julia, napako sa tuhod, walang reklamo!

168
0

Manila, Philippines- Nahawa na nga yata si Julia Montes sa kanyang boyfriend na si Coco Martin na laging binibigay ang best sa mga buwis buhay scene nito sa mga ginagawang proyekto.

Paano ba kasi ay napako pala ang dalaga sa shooting ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

Isa ang naturang pelikula sa entries sa  MMFF 2024.

Kwento niya, napako ang tuhod  niya sa isang eksena dahil kinailangan niyang lumuhod sa sahig.

At bilang professional actress, kahit napako na ay tinuloy pa rin daw niya ang eksena.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meet-up namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay.,” sabi ni Julia

Nahihiya naman daw siya ipa-cut ‘yung eksena, para sabihin na  napako siya.

Ang ginawa na lamang daw niya, nu’ng hindi na nakatutok sa kanya ang kamera ay hinugot na lang niya ‘yung pako sa tuhod niya.

Nagpa-tetanus shot naman daw ang aktres pagkatapos no’n.

Nalaman daw naman ni Coco ang nangyari at naging proud ito sa kanya.

Lagi rin daw siya tinuturuan ng aktor tungkol sa safety tips.

Ang Topakk ay mula sa Nathan Studios at showing na sa December 25. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here