Home NATIONWIDE Dating PS-DBM execs sa Pharmally graft case: nag-plea ng not guilty

Dating PS-DBM execs sa Pharmally graft case: nag-plea ng not guilty

257
0

MANILA, Philippines – Ang mga dating Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) na opisyal na sina Allan Raul Catalan, Dickson Panti, at Gerelyn Vergara nitong Huwebes ay nag plead ng not guilty sa graft kaugnay sa pagbili ng mga medikal na supply mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp. sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nirepresenta sila sa korte ng kanilang mga abogado sa kanilang arraignment sa Sandiganbayan Fifth Division.

Nahaharap din sa mga kasong graft sina dating procurement director Warren Liong at Pharmally executives Mohit Dargani at Linconn Ong, na naunang naghain ng motions for reconsideration.

Samantala, si dating PS-DBM officer-in-charge Christopher Lloyd Lao at dating supervising administrative officer Arnold James Dupla ay na-arraign noong Agosto at nag-plea ng not guilty.

Itinakda ng korte ang susunod na pre-trial conference na naka-iskedyul sa Oktubre 21 sa 1:30 p.m.

Ang mga kaso ay nag-ugat sa mga alegasyon ng pagsasabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng PS-DBM at mga executive ng Pharmally sa paggawad ng umano’y sobrang presyo ng mga kontrata para sa mga supply ng COVID-19 sa kasagsagan ng pandemya.

Ang nakaraang administrasyon ay tinanggihan ang mga insinuation ng katiwalian sa pagbili ng pandemic supplies. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here