Home METRO Dauis, Bohol pinasok ng ASF

Dauis, Bohol pinasok ng ASF

MANILA, Philippines – Umabot sa Limampu’t pitong baboy sa Dauis, Bohol ang natagpuang may African swine fever.

Sinabi ni Bohol Governor Aris Aumentado na ang mga apektadong baboy ay nasa Barangay Mayacabac, Biking, at Mariveles.

Dahil dito, pansamantalang ipinagbawal ng mga awtoridad ang transportasyon sa mainland Bohol ng mga live hogs at meat products mula sa Panglao Island kung saan matatagpuan ang Dauis.

Ang pansamantalang pagbabawal ay magkakabisa hanggang Mayo 18. RNT