Home METRO Davao Council sa PNP: Batas pairalin sa operasyon sa KOJC

Davao Council sa PNP: Batas pairalin sa operasyon sa KOJC

MANILA, Philippines- Nagpasa ng resolusyon ang Davao City Council na hinihikayat ang kapulisan na sundin ang batas sa umiiral na operasyon sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).  

Inihirit ni Councilor Luna Acosta, chairperson ng Committee on Peace and Public Safety, sa mga pulis na tiyaking walang nilalabag na constitutional rights.  

“I would like to pass a resolution entitled: A Resolution Urging the Philippine National Police to Uphold the Rule of Law and Respect the Constitution with regard to their ongoing operations,” pahayag ni Acosta.  

Patuloy na tinutugis ng kapulisan si Quiboloy at kanyang co-accused sa pagtuntong ng pagsisilbi ng arrest warrant sa ika-12 araw ngayong Miyerkules.  

“When the enforcement of the warrant is accompanied by the use of excessive force, the seizure of private property, and the disregard for the rights of others, we must ask ourselves, is this still what the law provides?” dagdag ni Acosta.  

Giit ng konsehal, kinikilala niya ang kapangyarihan ng korte na magpalabas ng arrest warrants at awtoridad ng mga pulis na magpatupad nito, subalit: “We were all caught off guard and left to deal with the consequences of their actions. Instead of working together for the peace of our city, their actions have caused great harm to our peace and have shaken our trust in the very people we rely on for our safety and security,” wika ni Acosta.  

“We welcome this resolution of the City Council because lahat tayo gusto natin peace, uphold the rule of law. And I do hope that our esteemed council members and their political leadership of not only Davao City but the whole country as well to call for the concerned people and instrumentalities to uphold the rule of law,” ayon naman kay Police Regional Office-Davao (PRO-11) Director, Brigadier General Nicolas Torre III. RNT/SA