Home METRO Davao del Sur top 2 MWP nalambat sa Las Piñas

Davao del Sur top 2 MWP nalambat sa Las Piñas

266
0

MANILA, Philipppines – Arestado ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang top 2 most wanted person (MWP) sa municipal level ng Malalag Municipal Police Station, Davao del Sur, nitong nakaraang Huwebes.

Pinangunahan ni Las Piñas City Police Chief P/Col. Sandro Jay DC Tafalla ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si alyas Jesan, 37, laborer, residente ng Brgy. CAA, Las Piñas City.

Ayon kay Tafalla, naganap ang pagdakip sa suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at ng Malalag MPS bandang alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Narra Street, Brgy. CAA, Las Piñas City.

Ang pag-aresto kay alyas Jesan, na nahaharap sa kasong murder na may Criminal Case No. 245 (09), ay alinsunod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Mayo 31, 2022 ni Digos City Regional Trial Court (RTC) Judge Marivic Trabajo Daray ng Branch 18, Davao del Sur.

Walang kaakibat na rekomendasyon ng piyansa ang hukom para sa suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City Police.

Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Randy Arceo ang Las Piñas City Police sa pagkakadakip ng suspek at nagsabing sinsero ang SPD sa kanilang sinumpaang trabaho upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

“The Southern Police District continues to uphold its mandate of bringing wanted persons to justice and safeguarding communities in line with the directives of the Philippine National Police,” ani Arceo.

(James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here