MANILA, Philippines – Nagmartsa ang mga nagtipon sa Luneta Park patungong Mendiola, habang ang mga nagprotesta mula EDSA Shrine ay nagsimulang lumakad patungong People Power Monument bilang bahagi ng September 21 rallies laban sa korapsyon sa flood control projects.
Sa hanay mula Luneta ay kasama ang Makabayan bloc, League of Filipino Students, Sinag Bayan, at Student Movement of the Philippines, pati na sina Kabataan Rep. Renee Co, Gabriela Rep. Sarah Elago, at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. Dumalo rin sa Luneta ang ilang personalidad gaya nina Angel Aquino, Jodi Sta. Maria, Elijah Canlas, Maris Racal, at Tessie Tomas.
Samantala, nanguna sina Sen. Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros, party-list Rep. Leila de Lima, at iba pang personalidad sa Trillion Peso March mula EDSA Shrine patungong People Power Monument. RNT







