Home NATIONWIDE Davao journo sa ICC prosecutor: Mag-public apology sa maling paggamit ng bidyo

Davao journo sa ICC prosecutor: Mag-public apology sa maling paggamit ng bidyo

185
0

MANILA, Philippines — Humihingi ng ‘public apology’ ang isang mamamahayag mula Davao laban sa isang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y hindi awtorisadong paggamit ng kanyang video sa confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang notarized affidavit na may petsang Pebrero 26, hiniling ni Ben Tesiorna ang public apology mula kay ICC Prosecutor at Senior Trial Lawyer Julian Nicholls dahil sa umano’y misrepresentation at/o recklessness. Binalaan niya na kung hindi ito gagawin, magsasampa siya ng mga kaso tulad ng cyberlibel, damages, o copyright infringement.

“I, therefore, deny any association to that tampered and/or spliced video,” ani Tesiorna.

“Mr. Nicholls’ showing and broadcasting worldwide of any video has tainted my reputation and put me and my family in danger, as if I cooperated with him and the ICC prosecution, which I deny as well,” dagdag pa niya.

Sa pagdinig noong Lunes, ipinakita ni Nicholls ang isang video kung saan makikitang pinapanood ni Duterte ang isang insidente ng pamamaril sa CCTV footage. Sinabi niyang ang video ay na-post sa YouTube ilang linggo matapos ang mga pagpatay at kinuwestiyon kung bakit hindi ito nalutas ni Duterte, at sinabing ito ay “[Duterte’s] murder.”

Nilinaw ni Tesiorna na ang video ay bahagi ng media showcase ng bagong install na CCTV system at hindi real-time na panonood ng isang pagpatay.

“The alleged killing shown in the CCTV was not in ‘real-time,’ as there was no killing simultaneous or while CCTV footage as played back or that while we were all watching the CCTV footage,” aniya.

“It was just a footage of a past killing where the CCTV is very clear, captable of capturing such a crime,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Tesiorna na “twisted the facts” si Nicholls upang palabasing walang naging reaksyon si Duterte sa insidente. Aniya, ipinadala na niya ang kanyang affidavit kay abogado Martin Delgra sa The Hague upang maipasa sa ICC.

Isinasagawa ang confirmation of charges hearing laban kay Duterte mula Pebrero 23 hanggang Pebrero 27. Nahaharap siya sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng umano’y murder at attempted murder noong siya ay alkalde ng Davao City at pangulo ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here