MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Davao Occidental madaling araw ng Linggo, Pebrero 15.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang pagyanig 1:22 ng madaling araw ng Pebrero 15, 2026 kung saan ang epicenter nito ay nasa 231 kilometro timog silangan ng Jose Abad Santos.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 10 kilometro.
Wala namang pinsala ang inaasahan sa lindol ngunit posible ang aftershock. RNT/JGC