Home HOME BANNER STORY Listahan ng ICC ng co-perpetrators ni FPRRD ‘walang katotohanan’ – defense team

Listahan ng ICC ng co-perpetrators ni FPRRD ‘walang katotohanan’ – defense team

213
0

MANILA, Philippines — Tinawag ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “completely lacking in truth” o ganap na walang katotohanan ang listahan ng International Criminal Court (ICC) ng mga umano’y co-perpetrators sa kasong crimes against humanity laban sa kanya.

Sa mensahe sa GMA News, sinabi ni lead defense counsel Atty. Nicholas Kaufman na halos isang taon na nilang alam ang pagkakakilanlan ng mga tinukoy na indibidwal.

Ayon kay Kaufman, pinapasinungalingan nito ang alegasyon na ang pansamantalang paglaya ni Duterte ay makaaapekto sa integridad ng imbestigasyon ng prosekusyon.

Noong Biyernes, inilabas ng ICC ang mas kaunting redacted na bersyon ng Document Containing the Charges (DCC), kung saan nakasaad ang pangalan ng walong umano’y co-conspirators, kabilang sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.

Kasama rin sa listahan sina dating PNP chiefs Vicente Danao, Camilo Cascolan at Oscar Albayalde, dating Bureau of Corrections chief Isidro Lapeña, dating NBI director Dante Gierran, dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II, at iba pang miyembro ng PNP at matataas na opisyal.

Iginiit ni Kaufman na wala sa mga nabanggit ang, sa kanyang palagay, kasalukuyang may warrant of arrest.

Aniya, “sensational” at “politically motivated” ang pag-uulat sa listahan at idinisenyo umano upang maapektuhan ang Senado.

Samantala, sinabi ni Sen. Bong Go na pinabubulaanan niya ang mga alegasyon at iginiit na wala siyang kinalaman o kaalaman sa umano’y mga krimen sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Special Assistant to the President at Executive Assistant sa Davao City.

“Let me be clear, at no time did I have any involvement in, knowledge of, or authority over these allegations,” ani Go.

Nakipag-ugnayan na rin ang media para sa panig nina Dela Rosa, Lapeña, Albayalde, Danao at Aguirre. Pumanaw naman si Cascolan noong Nobyembre 24, 2023.

Nakatakdang simulan ng ICC ang confirmation of charges hearing sa Pebrero 23, 2026. Labing-isang buwan nang nakakulong si Duterte sa ICC detention facility. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here