Home NATIONWIDE 4 parak, 1 sibilyan patay sa pagkahulog ng patrol car sa bangin

4 parak, 1 sibilyan patay sa pagkahulog ng patrol car sa bangin

160
0

MANILA, Philippines – Patay ang apat na pulis at isang sibilyan matapos mahulog ang sinasakyan nilang patrol car sa isang bangin sa Brgy. Napangan, Don Victoriano, Misamis Occidental, nitong Biyernes, Pebrero 13.

Ayon sa Police Regional Office 10, nakasakay sa police car ang pitong miyembro ng 2nd Misamis Occidental Provincial Mobile Force Company at tatlong empleyado ng Provincial Tourism Office.

Batay sa ulat, ang mga pulis ay nagsisilbing security envoy sa mga organizer ng isang national beauty pageant at patungo sa Piduan Falls.

Nahirapan umano sa pagmaniobra ang sasakyan habang bumibiyahe sa matarik, pakurba at pababang bahagi ng kalsada kung saan lumihis ito saka nahulog sa bangin.

Ipinag-utos na ng regional director ng PRO 10 ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga biktima at pamilya nito.

Bumisita naman si Misamis Occidental Provincial Police Office Director Police Colonel Reynaldo Maclang at Police Regional Office 10 Police Brigadier General Christopher Abrahano sa mga tauhan ng PNP at staff ng provincial tourism na nananatili sa ospital.

Dumalo rin ang mga ito sa burol ng mga nasawi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here