Home METRO Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

174
0

MANILA, Philippines – Yumanig ang 5.0-magnitude na lindol sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo, Hulyo 14.

Batay sa datos ng Phivolcs, yumanig ang lindol alas-12:12 ng umaga, na may epicenter sa layong 134 kilometro (km) timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 km.

Inaasahan ng Phivolcs ang “aftershock” ngunit “walang pinsala” dahil sa lindol na ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here