Home OPINION ANGAS NG DILG BOSS MASUSUBUKAN

ANGAS NG DILG BOSS MASUSUBUKAN

209
0

LATELY ay madalas na nakabalandra ang mga larawan o kaya naman ay mismong si Sec. Benhur  Abalos sa tri-media at social platforms – kundi  may mahalagang anunsyo ay may ipini-presentang accomplishment ng pulisya.

Sa dami ng malalaking krimen na hinaharap at natutugunan naman ng liderato ni Philippine National Police chief PGen. Rommel Marbil, dapat lang na ikuwento at malaman ng nagmamatyag na mamamayan.

Sa pamamagitan kasi ng media ay napakadali para sa Interior secretary na ma- update, malaman ng sambayanan ang approac- hes at sagot ng Marcos administration sa problema ng kriminalidad.

‘Di biro ang naging accomplishments na nagsimula sa pagbubukas ng taon at nagpapatuloy  hanggang sa kasalukuyan kaya bilang DILG chief na may hurisdiksyon sa PNP dapat lang na magpakita ito ng angas, ipagmalaki ang achievement ng police organization.

Gaya ng bilyong drug bust sa Alitagtag, Batangas at ang naresolbang pagpatay sa magkasintahang beauty queen ng Pampanga at Israeli boyfriend na kaagad nalutas ng mga tauhan ni Police Regional Office 3 director PBGen Jose ‘Daboy’ Hidalgo at CIDG cops.

At ang pagsubaybay at tugon ng pulisya sa animo’y teleseryeng Senate inquiry sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators at sumisikip na daigdig ni Pastor Apollo Quiboloy.

Uulitin natin, walang masama sa malimit na pagsulpot ni Abalos sa media para  ibahagi ang magandang  balita pero ‘di rin maiaalis sa iba na ito ay ‘di tama. Marami ang nagbibigay ng mga negatibong komento.

Ayon sa “di natutuwa sa  madalas niyang news exposure,  diskarte lang daw ng butihing top honcho ng DILG ang pagsipot-sipot sa media dahil tatakbong senador sa May 2025 election. Naloko na!

                                         *****

                Smuggling Lord May Police Escorts

Isang nagngangalang ‘Dondon Alahas’,  kilalang big-time oil smuggler sa Batangas pier at untouchable rin ang paihi  operation ay nagmamantine ng ilang bodyguards na pulis.

Bilin ni Marbil sa mga miyembro ng pambansang pulisya ay iwasan ang pagmo-moonlight as bodyguards dahil hindi ito mangingiming tanggalin sa serbisyo ang lalabag sa kanyang utos.

Hindi  dapat manaig ang salitang napaglalangan o pasok sa madalas marinig na “alam na this” kaya kailangang klaruhin ng butihing  PNP chief kay Batangas Provincial Police Office director PCol Jack Malinao ang hinggil dito.

‘Di mapapasinungalingan ng mga ‘intel-lehensya’ officer ang marami nang taon na operasyon ni Dondon Alahas na kaya ‘di nahihinto ay dahil sa police protection na ipinagkakaloob sa kanya ng mga opisyal at mga tauhan  nito.

Dito sa ‘untouchable’ smuggler na ito masusubukan ang angas ng DILG boss. Abangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here