Manila, Philippines – Successful ang ginanap na premiere night ng pelikula ni Barbie Forteza kamakailan.
Star-studded ang nasabing event dahil maraming kaibigan at supporters ng aktres ang sumuporta sa movie.
Gayunpaman, may ilang nagmamahadera ang hinanap ang presensiya ng kanyang dating love team partner sa BarDa na si David Licauco sa nabanggit na ganap.
Napag-usapan ang isyung ito sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“For delicadeza naman. Pelikula ito nina Barbie at Khalil, bakit naman siya pupunta?”
“Litmus test para kay Barbie ang movie dahil masusubukan ang werpa niya sa takilya without David.”
“Baka naman hindi invited.”
“Pa-good vibes sana kung nandoon si David dahil it goes to show na okay pa rin sila ng Pambansang Ginoo.”
“True. That’s also to show na walang animosity sa kanila after statement ni Barbie na finally nagkaroon na siya ng maayos na leading man in the person of Khalil.”
“Hopefully, suportado rin ang movie ng BarDa fans.”
“In fairness kay Barbie, she’s able to unleash her wild side.”
“Nagbigay na ng statement si David and he respects Barbie’s opinion.” Archie Liao