Home NATIONWIDE DavOcc niyanig ng M-6.7 na lindol

DavOcc niyanig ng M-6.7 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Davao Occidental alas-5:48 ng hapon nitong Martes.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang tectonic na lindol ay yumanig sa 368 kilometro ng Balut Island na may 10 kilometro ang lalim.

Walang naiulat na intensity sa earthquake bulletin ng Phivolcs.

Ang mga sumusunod na instrumental intensity, gayunpaman, ay nai-log:

Intensity II – Malungon, Sarangani
Intensity I – Alabel, Glan at Kiamba, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; Lungsod ng Digos, Davao del Sur

Ang instrumental intensity, sa kabilang banda, ay sinusukat gamit ang intensity meter na sumusukat sa ground acceleration. Santi Celario