MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang Sarangani sa Davao Occidental tanghali ng Miyerkules, Agosto 5.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol ay tumama 12:13 ng hapon kung saan ang sentro nito ay naitala sa 258 kilometro timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang instrumental intensity V sa Sarangani, Davao Occidental.
Walang inaasahang pinsala at aftershock sa naturang lindol. RNT/JGC