MANILA, Philippines – Inanunsyo ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami sa kahit anong lugar sa Pilipinas ang naganap na magnitude 7.0 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental nitong tanghali ng Miyerkules, Agosto 5.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” saad sa report ng PHIVOLCS.
Matatandaan na tumama ang magnitude 7.0 na lindol kung saan ang sentro nito ay naitala 258 kilometro timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental.