Home HOME BANNER STORY Ex-solon planong kasuhan ng reklamong human trafficking sa “honey trap” scheme.

Ex-solon planong kasuhan ng reklamong human trafficking sa “honey trap” scheme.

1
0

MANILA, Philippines – Ikinokonsiderang kasuhan ng reklamong human trafficking si dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras sa umano’y “honey trap” scheme, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Sa panayam, sinabi ni Remulla na tinarget ng ganitong modus ang kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla, at Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.

Matatandaan na nabiktima rin nito si Executive Secretary Ralph Recto.

“We are considering filing charges of human trafficking against him (Paras),” ani Remulla.

“It seems like he was the mastermind in this. He was the connection to the pimp,” dagdag pa.

Wala pang tugon si Paras kaugnay nito.

Ang mga pahayag na ito ay kasabay ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kina Paras at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa umano’y pagkakaugnay sa pagkuha ng apat na babae upang maglabas ng maling pahayag na nagsasabing pinwersa sila ni Recto na gumamit ng iligal na droga at makipagtalik sa kanila.

Itinanggi naman nina Paras at Leviste ang kaugnayan sa ganitong modus. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here