Home NATIONWIDE Dayuhang nakulong sa child porn hinarang ng BI

Dayuhang nakulong sa child porn hinarang ng BI

MANILA, Philippines- Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dayuhan galing Hawaii na una nang nahatulan sa kasong child pornography makaraang tangkain nitong makapasok sa bansa.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Ronald Huy Young, 54, na hindi pinayagan makapasok sa bansa sakay ng Philippine Airlines galing ng Honolulu dahil sa paglabag sa Philippine immigration act of 1940.

Nakasaad sa nasabing batas na ipinagbabawal ang pagpasok sa bansa ang sinumang dayuhan na may nakaraang kaso sa moral turpitude.

Batay sa datos ng Hawaii Criminal Justice Data Center, si Young ay naghain ng guilty sa kasong electronic enticement of a child sa first degree. Nasintensyahan siya ng first circuit court sa State of Hawaii ng sampung (10) taon na pagkabilanggo noong 2008 at kasama ito sa state sex registry.

Inulit ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang isang dayuhan na may records sa sexual crimes ay hindi welcome sa bansa.

“The law is very clear in its intent to protect Filipinos from foreigners who might be engaged in sex tourism and may prey upon the vulnerable,” ayon kay Tansingco. “Aliens with such criminal records are barred from entering our country,” dagdag pa nito. JAY Reyes