Home NATIONWIDE DBM chief nanawagan ng habag sa pagsisimula ng Ramadan

DBM chief nanawagan ng habag sa pagsisimula ng Ramadan

MANILA, Philippines – Nanawagan si Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong Sabado, Marso 1 sa publiko na magnilay at magpakita ng habag, kasabay ng pagsisimula ng Holy Month of Ramadan.

“As the crescent moon rises, I join my fellow Muslim brothers and sisters across the world, including more than six million Muslim Filipinos, in observing the holy month of Ramadan,” saad sa pahayag ni Pangandaman.

Aniya, ang Ramadan ay isang matibay na paalala sa pagtugon sa panawagan ng Islam na “a life of peace, justice, and charity.”

Banal na panahon din ang Ramadan para buhaying muli ang spiritwalidad sa pamamagitan ng pag-aayuno, pananalangin at pag-alala sa mga turo ni Allah.

“Let us use this holy and memorable observance as a period of deepening our faith so that we can show compassion to our countrymen, Muslims and non-Muslims alike,” anang opisyal.

“And as we reconnect with our families and communities, let us remember to embrace our common humanity in fostering a better and prosperous future for all,” dagdag ni Pangandaman. RNT/JGC