Home NATIONWIDE Pagbabawal sa diving activities binawi na ng Quezon LGU

Pagbabawal sa diving activities binawi na ng Quezon LGU

MANILA, Philippines – Inalis na ng Tourism Office ng Quezon Province ang abiso na pansamantalang nagbabawal sa diving activities sa probinsya.

Matatandaan na nag-isyu ng abiso nitong Sabado ng umaga, Marso 1, ang opisina na nagbabawal sa diving activities sa Quezon para sa kaligtasan, kasunod ng pagkasawi ng dalawang Russian divers sa Verde Island.

“Sa panibagong sulat mula sa Philippine Coast Guard (PCG) na pinahatid sa Quezon Provincial Tourism Office, ipinababatid na ang kanilang naunang sulat ukol sa pagpapatigil ng diving activities sa nasasakupan ng ating lalawigan ay kanilang binabawi/binabago,” saad sa pinakabagong abiso.

Sa kabila ng pag-aalis ng restriksyon, hinimok ng tourism office ang mga diver at dive operators na maging alerto pa rin lalo na sa masamang panahon.

Noong Huwebes, Pebrero 27, nasawi ang dalawang Russian matapos tangayin ng malakas na underwater current habang nag-da-dive sa Pulong Bato malapit sa Verde Island. RNT/JGC