Home TOP STORIES Pope Leo humiram ng eroplano sa Spain matapos masiraan ng Papal plane

Pope Leo humiram ng eroplano sa Spain matapos masiraan ng Papal plane

1
0

BARCELONA, Spain – Kinumpirma ng pamahalaan ng Spain na ang eroplano ng Spanish Air Force na ginagamit ng hari ang maghahatid kay Pope Leo at ilang miyembro ng kanyang delegasyon papuntang Rome, matapos magkaroon ng aberya ang kanilang orihinal na flight.

Ang natitirang bahagi ng delegasyon at mga reporter ay sasakay naman sa hiwalay na eroplano na ipapadala mula Madrid.

Nauna nang nakasakay si Pope Leo sa isang Iberia-operated flight at naihatid pa siya ng King Felipe at iba pang opisyal, ngunit kalaunan ay pinababa siya sa eroplano at ibinalik sa terminal.

Ayon sa kapitan ng flight, malamang na hindi umandar ang makina dahil sa hangin, at kalaunan ay hindi na rin ito naayos agad kaya kinailangang palipatin ang mga pasahero.

Sa pahayag ng Iberia, nagkaroon ng “unspecified technical issue” ang eroplano kaya nagpadala ng kapalit na aircraft mula Madrid upang ituloy ang biyahe papuntang Rome. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here