Home METRO 4 drug suspects timbog sa Rizal; P1.6M tobats, baril nasamsam

4 drug suspects timbog sa Rizal; P1.6M tobats, baril nasamsam

1
0

RIZAL, Philippines – Arestado ang apat na hinihinalang drug trafficker matapos ang isang buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal noong Sabado ng umaga, ayon sa Police Regional Office 4A.

Nakilala lamang ang mga suspek sa alyas na “Mark,” “Jomar,” “Jerson,” at “Cooky.”

Nasakote sila matapos umanong magbenta ng ₱500 halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover police sa Barangay Pasong Camachile 1 bandang 5:45 a.m.

Nasamsam sa operasyon ang mahigit ₱1.6 milyon na halaga ng shabu, ilang pakete ng droga, isang loaded at walang lisensyang .45 caliber na pistola, at digital weighing scale.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pati na rin sa posibleng kaso ng illegal possession of firearms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here