Home NATIONWIDE BARMM nagpatupad ng modified working hours sa Ramadan

BARMM nagpatupad ng modified working hours sa Ramadan

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng modified working hours ang lahat ng opisina sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa lahat ng Muslim officials at mga empleyado nito, bilang bahagi ng paggunita ng Ramadan.

Sa memorandum na inisyu ni Chief Minister Ahod Ebrahim, sinabi nito na ang regular working hours na mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at ginawang alas-7:30 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon kasabay ng Ramadan, batay sa Presidential Decree No. 291 at mga resolusyon ng Civil Service Commission (CSC).

“This adjustment aims to accommodate the religious practices of Muslim employees while ensuring compliance with the required 40-hour work week under civil service regulations,” saad sa pahayag ng Bangsamoro Information Office.

Magsisimula ngayong araw, Marso 2, ang adjusted working hours.

Matapos ang Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, ang lahat ng empleyado ay magbabalik na sa regular na iskedyul. RNT/JGC