Home HOME BANNER STORY Motorbike donations ng ‘Chinese spies’ iniimbestigahan ng PNP

Motorbike donations ng ‘Chinese spies’ iniimbestigahan ng PNP

MANILA, Philippines – Naglunsad ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa umano’y mga donasyon na motorsiklo sa kapulisan ng mga hinihinalang mga Chinese spy.

Ito ay matapos na isiwalat ni PNP – Crime Investigation and Detection Group chief Brig. Gen. Nicolas Torre III ang impormasyon nang tanungin kung may sinusunod bang panuntunan ang PNP sa pagtanggap ng mga donasyon mula sa non-government organizations at foreign entities.

“I believe that the chief PNP had already ordered the inquiry on that matter para malaman kung ano ang puno’t dulo dyan at yung exact circumstances ng donations na ‘yan,” ani Torre.

Aniya, may panuntunan na sinusunod ang PNP kapag mayroong foreign entities na nagbibigay ng donasyong kagamitan.

“It could have been donated to the local government which the PNP really does not have any control. I don’t want to speculate,” ipinunto ni Torre.

Nang tanungin naman kung may nakitang iregularidad ang PNP sa mga donasyong motorsiklo, sinabi ni Torre na ang kaso ay iniimbestigahan pa rin at maaga pa para magbigay ng konklusyon.

Matatandaan na lumabas ang balita ng Reuters na nagsabing nagbigay ng donasyong motorsiklo sina Wang Yongyi, Wu Junren, Cai Shaohuang at Chen Haitao sa Tarlac City at pulisya sa pamamagitan ng Chinese-backed groups noong 2022.

Sinabi rin na ang mga ito ay nagbigay ng 10 Chinese-made motorcycles na nagkakahalaga ng $2,500 s Manila police. RNT/JGC