Home NATIONWIDE DBM naglaan ng P1.625B sa DSWD, DPWH para sa calamity funds

DBM naglaan ng P1.625B sa DSWD, DPWH para sa calamity funds

310
0

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P1.625 bilyon para i-replenish o muling lagyan ang Quick Response Funds (QRFs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang pagpapalabas ng pondo ay nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisan ang ‘relief at recovery efforts’ para sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ng DBM na makatatanggap ang DSWD ng kabuuang P625 milyon na QRF para pondohan ang prepositioning ng relief resources sa mga bodega ng departamento at probisyon ng emergency cash transfer para sa mga disaster-affected family sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity.

Sa kabilang dako, ang DPWH, ay makakukuha ng kabuuang P1 bilyon para i-cover ang third replenishment ng built-in QRF nito.

“The said amounts shall be used for reconstruction and rehabilitation programs, activities, or projects, including the pre-positioning of goods and equipment in communities or areas stricken by calamities, which occurred in the last quarter of the immediately preceding year and those occurring during the current year,” ayon sa DBM.

Ang QRF ay nagsisilbi bilang stand-by fund para sa ‘relief and recovery programs’ para matiyak ang agarang pagbabalik sa normal ng komunidad o mga lugar na apektado ng sakuna, kalamidad, epidemiya at complex emergencies.

Maaari namang mag-request ang mga kinauukulang ahensiya ng replenishment mula sa DBM kapag ang balanse ng QRF ay umabot sa 50%.

Sa kabilang dako, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na nais ng Pangulo na mabilis na umaksyon ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga biktima ng kalamidad lalo na iyong mga naapektuhan ng nakamamatay na 6.9 magnitude earthquake na yumanig sa Bogo City, Cebu at kalapit na lugar, Martes ng gabi.

“Whole-of-government approach po ito— mula sa paglalabas ng pondo, pag-deliver ng emergency service, at pagsasagawa ng ground zero assessment,” ayon sa Kalihim.

“Our government is prepared. We have standby funds that can be tapped immediately to deliver assistance to those affected. In moments like this, government aid must never be delayed,” aniya pa rin.

“As of Oct. 2”, ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ay nananatiling mayroong P5.3 bilyon na available funds na maaaring gamitin para sa mas pinalawak na rehabilitation efforts at pagkumpuni ng imprastraktura na napinsala ng malakas na paglindol. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here