Home NATIONWIDE DBM naglaan ng P3.7B para sa indigent college students

DBM naglaan ng P3.7B para sa indigent college students

MANILA, Philippines- Makatatanggap ang indigent college students ng P3.7 bilyon mula sa gobyerno para suportahan ang kanilang pangangailangan para sa pagtatapos ng kanilang degree.

Sa katunayan, ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ay naglaan sila ng budget para sa 247,135 student grantees sa ilalim ng Tulong Dunong program ng Commission on Higher Education (CHED).

“This scholarship program is a huge help for our dear students, especially those who are having financial difficulty or simply cannot afford to go to college,” ayon sa Kalihim.

“Providing necessary funds for programs like this gives them a fighting chance to complete their degrees and ultimately give them a better future. As what President Bongbong Marcos said, sa Bagong Pilipinas, dapat ay walang Pilipinong maiiwan,” dagdag na pahayag ni Pangandaman.

Sa kabilang dako, inaprubahan naman ng Kalihim ang pagpapalabas ng special allotment release order noong Abril 15.

Ang budget ay mapakikinabangan ng student beneficiaries na naka-enroll sa ilalim ng “CHED-recognized public and private higher education institutions” para tulungan ang kanilang pinansyal na pangangailangan sa tertiary education para sa second semester ng academic year (AY) 2023-2024 at first semester ng AY 2024-2025.

Bahagi ang Tulong Dunong program ng “Universal Access to Quality Tertiary Education – Tertiary Education Subsidy.”

Para ngayong taon, naglaan ang education sector ng P924.7 billion, katumbas ng 16% ng P5.768 trillion 2024 budget plan.

Samantala, naglaan naman ang gobyerno ng P27.2 billion para sa Free Higher Education program saklaw ang tuition at iba pang school fees ng mga estudyante sa “state universities and colleges” at “CHED-recognized local universities and colleges.” Kris Jose