Home HOME BANNER STORY DBM sa gov’t employees: May mid-year bonus na bukas, May 15!

DBM sa gov’t employees: May mid-year bonus na bukas, May 15!

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na ang mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ay makatatanggap ng kanilang mid-year bonus simula ika-15 ng Mayo ngayong taon.

“I am pleased to announce that our civil servants will receive their mid-year bonus this year. We know that this is eagerly awaited by our fellow government employees and will significantly assist them in meeting their daily needs,” ayon kay Pangandaman.

“As always, we remind all government agencies and offices to ensure the prompt and timely release of bonuses to their employees, in accordance with our existing rules and regulations. This will begin on May 15,” dagdag ng Kalihim.

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno as of Mayo 15. Ito ay ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga kawani na nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon.

Ang kawani ay dapat na nasa serbisyo pa rin ng gobyerno mula Mayo 15 ng kasalukuyang taon at dapat ay nakatanggap ng hindi bababa sa satisfactory performance rating sa pinakahuling rating period, o naaangkop na panahon ng performance appraisal.

Ibibigay ang mid-year bonus sa mga civilian personnel, kasama ang mga regular, casual, at contractual employees. Kasama rin dito ang mga appointive o elective positions, maging full-time o part-time, sa mga sangay ng Executive, Legislative, at Judicial branches, Constitutional Commissions, ibang pang Constitutional Offices, State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) na sakop ng Compensation and Position Classification System (CPCS), pati na rin ang mga local government units (LGUs).

Hindi lamang para sa mga civilian personnel ang mid-year bonus; ito rin ay para sa mga military at uniformed personnel. Kasama dito ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense, pati na rin ang mga personnel mula sa Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority. Lahat sila ay eligible na tumanggap ng bonus na ito.

Ang alokasyon ng mid-year bonus para sa mga kawani sa mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay ay itatalaga ng kanilang mga sanggunian, na napapailalim sa mga kondisyon ng patakaran para sa layunin sa ilalim ng DBM Budget Circular No. 2017-2.

Bukod dito, ang pondo para sa pagkakaloob ng mid-year bonus ay kumpletong inilabas sa mga kinauukulang ahensya sa simula ng fiscal year. Kaya, ang pagbibigay ng nasabing benepisyo sa mga kwalipikadong kawani ay nasa hurisdiksyon na ng mga kinauukulang ahensya. Kris Jose