Home NATIONWIDE DBM: Unprogrammed appropriations sa 2024 budget ‘standby funds’ lang  

DBM: Unprogrammed appropriations sa 2024 budget ‘standby funds’ lang  

MANILA, Philippines- Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules na ang ₱449.5 billion unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2024 budget ay “standby funds” lamang.

“Allow us to emphasize that unprogrammed appropriations are standby appropriations, outside the approved government fiscal program,” pahayag ng DBM.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hahamunin niya ang 2024 budget sa Supreme Court para sa “unconstitutional” increase ng Kamara rito at at paglalaan sa unprogrammed appropriations.

Iginiit ng DBM na makatutulong ang “standby” appropriations upang matugunan ng gobyerno ang hindi inaasahang gastos at gawing prayoridad ang mga mahahalagang programa at mga proyekto.

“It is not included in the ₱5.7676 trillion FY 2024 national budget by appropriation source,” pagbibigay-diin ng DBM.

Nauna nang inihayag ni Sen. Sonny Angara, chairman ng finance committee, na ang unprogrammed funds ay “conditional,” at depende sa revenue o tax collections ng pamahalaan.

Gayundin, sinabi ng budget agency na ang unprogrammed appropriations ng 2024 budget ay hindi awtomatikong nakalaan at mailalabas lamang sakaling  maabot ang funding conditions.

“Should there be new or excess revenues that may trigger the availability of the unprogrammed funds, government agencies are required to submit the necessary documentary requirements before access to the standby funds is given,” dagdag nito.

Binanggit pa ng DBM ang constitutional provision sa ilalim ng Section 29 (1), Article 6 kung saan nakasaad na “no money shall be paid out of the Treasury except in pursuance of an appropriation made by law.” RNT/SA

Previous articleKarapatan sa WPS muling iginiit ng Pinas
Next articleNTC execs inihirit na mag-inhibit sa franchise violation case vs SMNI