Home NATIONWIDE De lima naghain ng reklamo vs 18 ex-marines sa NBI, DOJ

De lima naghain ng reklamo vs 18 ex-marines sa NBI, DOJ

180
0
Oplus_131074

MANILA, Philippines – Nagsampa ng hiwalay na complaint-affidavit si dating Senator at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes ng umaga laban sa 18 ex-marines at kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod kaugnay sa alegasyon na tumanggap ng maleta-maletang pera mula sa maanomalyang flood control project.

Sa NBI, kasong cyberliber at libel ang inihain ni de Lima kasama si Fr. Flaviano Villanueva laban kay Baligod at 18 dating sundalo.

Habang ang hiwalay na reklamong Perjury ang inihain naman nina De Lima at Villanueva sa DOJ laban sa 18 ex marines.

Sa panayam kay De Lima, nakasaad sa sworn affidavit ng mga dating sundalo ay pawang mga kasinungalingan para lang sirain ang kanyang pangalan at reputasyon.

“Sana tigilan na nila ako, stop your lies–hindi pa ba kayo nagsawa sa kapapahiya sakin,” pahayag ni de Lima.

Giit ni de Lima, kasinungalingan ang paratang na nakipag-pulong siya kay dating House Speaker Martin Romuladez.

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon ng mga ex marines na nakatanggap umano si de Lima ng male-maletang pera na kalaunan ay binawi at sinabing ‘paper bag’. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here