Home METRO Declaration rally vs political dynasty idinaos sa harap ng Comelec

Declaration rally vs political dynasty idinaos sa harap ng Comelec

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng declaration rally ang mga socialist workers at urban poor sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang tuligsain ang mga kandidato na nauugnay sa political dynasties, corruption, krimen at pag-abuso sa kapangyarihan.

Ayon sa grupo, anim sa mga kandidato ay bunga umano ng pagiging bahagi ng political dynasty.

Ang limang iba pa ay may kinaharap o kinakaharap namang akusasyon nang paglabag sa karapatang pantao.

Nilagyan ng ekis ang mga larawan ng mga pinaboboycot na kandidato saka pinagpunit-punit at pinagbabato rin ng pintura.

Hinayaan lamang ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang grupo hanggang matapos ang maikli nilang programa. Jocelyn Tabangcura-Domenden