Home METRO Tulak laglag sa P136K shabu sa QC

Tulak laglag sa P136K shabu sa QC

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga otoridad ang isang hinihinalang drug suspek at nakakumpiska ang P136,000.00 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police Kamuning station 10 sa naturang lungsod kahapon, Pebrero 23.

Sa ulat kay PCOL Melecio M Buslig, Jr., Acting District Director, QCPD kinilala ang nadakip na suspek na si Vincent Sambitan Poblete, 29 anyos at residente ng Brgy. 701, Malate, Maynila.

Batay sa ulat kay PLTCOL Leonie Ann Dela Cruz, Station Commander ng PS 10, isinagawa ang buy-bust operation dakong 7:45 ng gabi ng Pebrero 23, 2025, sa kahabaan ng Sct. Santiago Corner Marathon St., Brgy. Obrero, QC, at sa koordinasyon ng PDEA-RO NCR matapos magbigay ng impormasyon ang isang concerned citizen sa pagbebenta ng droga ng suspek.

Sinabi pa sa ulat ng pulisya na isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng P26,000.00 halaga ng hinihinalang shabu mula sa suspek, at sa ibinigay na pre-arranged signal, siya ay inaresto.

Nakumpiska sa nasabing mga operatiba ang may 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00, isang cellphone, coin purse, at buy-bust money.

Kaugnay nito, batay sa record ng pulisya ay lumabas sa record check ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) na may naunang kaso ng Robbery ang suspek noong Mayo 2019.

Sasampahan ng kasong paglabag ng R.A. 9165 ang suspek o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Samantala pinuri naman ni PCOL Buslig, Jr ang mga operatiba ng PS 10 sa kanilang walang humpay na pagsusumikap sa anti-illegal drug operations, na humantong sa pagkakaaresto sa suspek at pagkumpiska ng nasabing ebidensya, “We will not stop conduct these operations to eradicated this unlawful activity and achieve a drug-free city”, dagdag pa ng opisyal. Santi Celario