Home METRO Dedo sa Binaliw landslide, 25 na; 11 pa pinaghahanap

Dedo sa Binaliw landslide, 25 na; 11 pa pinaghahanap

216
0

CEBU CITY — Umabot sa 25 ang kumpirmadong nasawi sa Binaliw landfill collapse sa Barangay Binaliw, habang 18 ang nasugatan at kasalukuyang nasa ospital, at 11 ang nawawala, ayon sa Bureau of Fire Protection at lokal na disaster offices. Kabuuang 54 na tao ang naapektuhan ng insidente noong Enero 8.

Iginiit ng mga opisyal ng Cebu City na patuloy ang search-and-rescue operations at hindi pa ito itinuturing na ganap na retrieval, sa kabila ng mga naunang pahayag ng landfill operator na Prime Waste Solutions (PWS) Cebu.

Ayon kay Councilor Dave Tumulak, pinuno ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council, hindi pa rin isinasara ang posibilidad ng pagkuhan ng mga nakaligtas.

“We are still in search and rescue,” ani Tumulak. “As long as there is uncertainty about the number of affected workers, we cannot say retrieval. That would be unfair to the families.”

Isinasagawa na ngayon ang search-and-rescue 24/7, na hinati sa apat na operational quadrants. Maingat na ginagamit ang mga mabibigat na kagamitan tulad ng crane at excavator, alinsunod sa mahigpit na safety protocols dahil sa hindi matatag na debris, halo-halong basura, metal scraps, at malakas na amoy na nagpapahirap sa operasyon.

Naunang binanggit ng PWS na posibleng sanhi ng pagbagsak ang seismic activity at malakas na ulan, at isinumite nila ang kumpletong listahan ng mga manggagawa at kontraktor na naroroon sa landfill noong insidente. Nananatiling sarado ang landfill kasunod ng cease-and-desist order mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nagbigay ang PWS ng pinansyal, medikal, at psychosocial na tulong sa mga apektadong pamilya, pati na rin ang gastusin sa burol at libing.

“As long as there is hope, we continue,” ani Tumulak. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here