Home NATIONWIDE Dedo sa Nepal flood, umakyat sa 1,355; halos 5,000 nawawala

Dedo sa Nepal flood, umakyat sa 1,355; halos 5,000 nawawala

1
0

KATHMANDU, Nepal — Umakyat na sa 1,355 ang nasawi habang 4,996 katao ang nananatiling nawawala matapos ang mapaminsalang flash floods na tumama sa Nepal noong Agosto 26, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA).

Sa pinakahuling government data, 98 pa lamang sa mga narekober na labi ang nakikilala at naibibigay sa kanilang pamilya. Pinakamaraming nasawi ang naitala sa Chitwan na may 363, sinundan ng Nawalparasi East na may 222 at Nawalparasi West na may 221.

Sa mga nawawala, 2,340 ang mula sa Nuwakot at 1,967 sa Rasuwa. Kabilang din sa hindi pa natatagpuan ang humigit-kumulang 589 foreign nationals at nasa 100 security at government personnel.

Umabot naman sa 13,396 katao ang nailigtas mula sa mga lugar na sinalanta ng baha, habang 3,533 displaced residents ang nananatili sa 39 holding centers sa Rasuwa, Nuwakot at Dhading.

Mahigit 21,400 security personnel mula sa Nepali Army, Nepal Police at Armed Police Force ang patuloy na naka-deploy para sa search and rescue, relief distribution at rehabilitation operations.

Tinatayang umabot sa 387.5 bilyong Nepali rupees o humigit-kumulang US$2.56 bilyon ang paunang halaga ng pinsala sa mga bahay, ari-arian at imprastraktura.

 

Patuloy ang search operations sa mga liblib at mahirap marating na lugar habang ginagamit ang mga helicopter at heavy equipment upang hanapin ang mga nawawala at maihatid ang tulong sa mga apektadong komunidad. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here